Today’s report: Watched horror movie in Gateway tapos lahat na puro kamalasan! Pambihira! Sarap maulanan at ma-stranded sa Megamall. Naghintay ng 1 hour si Pare sa baba ng dorm, natulugan ko e. Haha. Napaaga lang pala siya ng dating. Wala akong kasalanan. Hahaha. 2 hours nagligalig sa maliit at mainit daw na Mall bago magstart ang movie. Binalak nga naming sumugod sa Araneta, sayang kasi naubusan kami ng ticket sa Jason Mraz concert. Napakain nalang kami ng DQ kasi bawal tambay sa Food Court. Pinakelaman ko narin lahat ng gamit niya. Isa-isa ko ring nilabas mga drawing niya, yung plates na lagi nyang ginagawa. Bago magstart, kami ata pinaka-maingay, madaldal e. Haha. Nagtatawanan nalang kami pag may nagugulat, pero imba, siya pumipikit. Haha. Pareho din pala kami ng crushes, gaya ni Baby Tatum. Hahaha. Late na natapos, naawa ako kaya hinatid ko hanggang Megamall. Ayun! Inabutan kami ng malakas na ulan. Sinamahan niya nalang ako sa taxi bay, blockbuster ang pila. Feeling bata ulit kami, nagbabasahan ng ulan. Haha. SInabihan niya ko ng tsismosa at stalker. Hahaha. Sa kahihintay ng taxi muntik na siyang di umabot sa sakayan pauwi sa kanila. Pambihira, may dalang kamalasan yun. Hahaha. Dahil di na gumagalaw ang pila, tumakbo kami sa sakayan ng bus (di pala sakayan yun. Haha) Tinawagan namin Nanay tsaka pinsan niya, kawawa na kami e. Hahaha. Pero sumakit panga ko sa katatawa. Haha. 10 naka-uwi na ko. after 2 hours naman siya. After 4 years, nakasama ko ulit epic kong kaibigan. Madami pang kwento kaya bukas ulit. Same meeting place, different movie, different cinema. Haha. Sana wala na siyang baong kamalasan.









